Investment Tips for Beginners [Filipino]



Para sa isang naguumpisa maginvest sa stock market, narito ang mga tips upang
maging successful na stock investor.

una, maging frugal. maging maingat sa bawat piso na iyong itatago at gagamitin. gamitin lamang ng wasto ang bawat perang pinaghirapan. dahil sa bandang huli, ang mga naipon mong pera ang magsisilbing instrumento sa iyong pagtatagumpay bilang isang stock investor. bawat piso ay mahalaga.

pangalawa, maging mapanuri. sa mundo ng investment, madami ang magtatangka na makuha ang iyong mga pinaghirapan. sa pamamamagitan ng pang aakit ng mga serbisyo at produkto na magbibigay ng mataas na profit. tulad ng mga investment scams. tandaan lamang na ang mataas na return on investment ay may kaakibat na malaking risk. at ang sobrang laking return on investment ay malamang isang investment scam. maging mapanuri sa bawat opportunidad na darating. ilagay lamang ang iyong pinaghirapan sa mga proven at safe na investments.

pangatlo, mag-aral, magbasa at makinig sa mga experto. ang pinakamagandang investment ay ang investment sa sarili. kung kaya, ipagpatuloy ang pagbabasa ng mga libro patungkol sa stock market. manood ng mga videos na magpapalawak ng iyong kaalaman. mag-aral ng ibat ibang investment strategy. umattend ng ibat ibang seminars tungkol sa ibat ibang investment. malaki ang maitutulong ng edukasyon upang maging tama ang inyong investment decision.

pang-apat, invest often. unahin ang paglalaan ng pera sa mga basic needs. matapos nito, maglaan ng pera para sa investments. at ang panghuli, ipagpaliban ang pagbili ng mga luho. kung iyong gagawin ito ng may disciplina, ikaw ay magiging successful na stock investor, dahil inuuna mo ang iyong kinabukasan kesa sa iyong pansamantalang kaligayahan.

pang-lima, invest now. the best time to invest was 10 years ago. the second best time to invest is NOW. mas maaga kang magsimula maginvest. mas maaga mo mararating ang iyong financial goals. kung maaaga kang magiinvest, mabibigyan mo ng maraming time ang iyong mga investments para lumago at lumaki. time is your friend pag ikaw ay nagiinvest, dahil sa tulong ng time, ang compound interest ay mag-tatake effect.

ito ang limang tips upang maging successful na stock investor. sundin mo ito at ang iyong mga investments ay lalaki.

Kostenlose Immobilienbewertung


source
Was ist meine Immobilie wert

Immobilienmakler Heidelberg

Makler Heidelberg

Immobilienmakler Heidelberg
Der Immoblienmakler für Heidelberg Mannheim und Karlsruhe
Wir verkaufen für Verkäufer zu 100% kostenfrei
Schnell, zuverlässig und zum Höchstpreis
>